GMA Logo Yasmien Kurdi and Gina Alajar
What's on TV

Yasmien Kurdi receives praises from veteran actress and her 'Start-Up Ph' co-star Gina Alajar

By EJ Chua
Published August 30, 2022 10:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Yasmien Kurdi and Gina Alajar


Gina Alajar to Yasmien Kurdi: “Mayroon siyang ginawa sa role niya na hinangaan ko siya nang husto, she took one step forward.

Sa ilang GMA shows na pinagbidahan ng StarStruck alumna na si Yasmien Kurdi, hindi maikakaikala ang husay niya sa pag-arte kaya naman patuloy siyang hinahangaan ng napakaraming manonood.

Ngunit bukod sa mga ito, hanga rin sa kaniya ang ilan sa mga kasama niya sa showbiz at isa na rito ang aktres at direktor na si Gina Alajar.

Sa katatapos lang na online media conference para sa upcoming GMA drama series na Start-Up Ph, ibinahagi ni Gina na hanga siya sa pagganap ni Yasmien sa role nito sa Philippine adaptation ng isang hit Korean Netflix series

Pagbabahagi ng veteran actress, "Nagulat ako sa kaniya… Nakita ko siya na nakaayos na naka-suit, ang ganda-ganda ng make-up niya, plakadung-plakado ang hair. Wow! Sabi ko 'Yas, you're so beautiful!'"

Dagdag pa niya, "Inaral niya talaga, kasi fan siya ng Start-Up. Siya na lang siguro ang magkuwento. Pero meron siyang ginawa sa role niya na hinangaan ko siya nang husto, dahil she took one step forward… Kung saan siya mahina, pinalakas niya yun. Siya na lang magkukuwento. Ayokong i-preempt siya. Pero nagulat ako na ginawa niya na yun.”

Sa nalalapit na pagpapalabas ng Start-Up Ph, mapapanood si Yasmien bilang si Katrina “Ina” (Seo In-jae/Won In-jae), ang strong at ambitious na nakakatandang kapatid ni Danica (Bea Alonzo).

Si Gina naman ay gaganap bilang si Lola Lola Ligaya "Joy" Sison" (Choi Won-deok/Mrs. Choi), ang lola nina Dani at Ina (Bea Alonzo and Yasmien Kurdi).

Abangan ang Start Up Ph, mapapanood na ngayong Setyembre, sa GMA Telebabad!

SAMANTALA, SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: