
Natupad ang pangarap ni Alden Richards na makatrabaho si Bea Alonzo sa pag-arte sa pamamagitan ng Start-Up PH!
Sa premiere event ng Start-Up PH, na ginanap nito lamang September 17 sa Robinsons Galleria, ibinahagi ni Alden ang kaniyang nararamdaman bilang isa sa leading men ng tinaguriang This Generation's Movie Queen na si Bea.
Ayon sa Asia's Multimedia Star, “First time naming nag-work ni Bea sa isang endorsement abroad, sa Bangkok [Thailand], doon kami unang nagkita. Looking forward ako na sana one day magkaroon ako ng project together.
"'Tapos ito na nga, like Start-Up PH, natutupad talaga. So, 'yung mga nakita ko with Bea dito sa Start-Up PH, she puts good pressure on me, on us, actually. Kasi, never akong nagkaroon ng eksena with Bea na hindi niya kabisado 'yung linya niya. The way she handles her character, sabi ko sa sarili ko, hindi ako pwedeng petiks. 'Yung style ko before na chill lang, medyo dinagdagan ko kaya it's a good pressure on us.”
“Sobrang galing makisama ni Bea…Very happy kami, me and all of the casts were very proud that we have a Bea Alonzo in the show,” dagdag pa ng Kapuso actor.
Bago ang naging pahayag ni Alden, una nang ibinahagi ni Bea na masaya siyang makatrabaho si Alden at ang iba pang mga aktor para sa kaniyang kauna-unahang drama series bilang isang Kapuso.
Mapapanood si Bea sa bagong GMA Telebabad series bilang si Danica "Dani" Sison (Seo Dal-mi). Samantala, si Alden ay gagampanan ang karakter ni Tristan "Good Boy" Hernandez (Han Ji-pyeong).
Bukod sa kilalang Kapuso actor, makikilala rin bilang leading man ni Bea sa serye ang award-winning actor na si Jeric Gonzales, ang gaganap sa karakter ni Davidson "Dave" Navarro (Nam Do-san).
Abangan ang first-ever drama series na pagbibidahan nina Alden Richards at Bea Alonzo kasama sina Yasmien Kurdi at Jeric Gonzales, magsisimula na sa September 26, 8:50 p.m., sa GMA Telebabad!
SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG START-UP PH SA GALLERY NA ITO: