What's on TV

Alden Richards, handa nang matawag na 'good boy' in real life, may halintulad sa kanyang 'Start-Up Ph' character

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 27, 2022 1:20 PM PHT
Updated September 27, 2022 1:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

RECAP: Team Philippines at the 2025 SEA Games
Isay band shines as first-ever Distilled Sounds PH champion
Third-culture kid

Article Inside Page


Showbiz News

alden richards


Ayon kay Alden Richards, may pagkakahalintulad sila ni Good Boy sa 'Start-Up PH.' Alamin DITO.

Taong 2012 nang gampanan ni Asia's Multimedia Star ang karakter ni Tisoy sa GMA Afternoon Prime series na One True Love. Simula noon ay naging palaway na ni Alden ang Tisoy kahit sa totoong buhay.

Ngayong ginagampanan na niya sa Start-Up Ph ang karakter ni Tristan Hernandez, na mas kilala bilang si Good Boy, handa na rin daw si Alden na matawag na Good Boy kahit sa totoong buhay.

"Hindi naman tayo perfect. We commit mistakes every now and then, but the thing about that is never let your mistake take control of you," paliwanag ni Alden sa panayam ni Aubrey Carampel sa 24 Oras.

Katulad ng kanyang karakter sa Start-Up Ph, handa rin daw tumulong si Alden sa totoong buhay. Bukod kasi sa pagiging mahusay na aktor ay isa rin entrepreneur si Alden.

Sa katunayan, ang kanyang bagong kumpanya na Myriad Corporation ay magiging bahagi ng upcoming concert ng Eraserheads na pinamagatang Huling El Bimbo.

"[Si Tristan], mas ginawa natin siyang Pinoy, 'yung hardships na pinagdaanan niya na ulila siya, wala siyang kahit ano noon, ang meron lang talaga siya pangarap. Like me, like what happened sa buhay ko.

"I've been blessed with people in my life that gave me opportunities, that gave me a chance para ma-prove ko 'yung sarili ko," saad ni Alden.

Nauna nang napanood ni Alden at ng buong cast ang pilot episode ng Start-Up Ph nang ipinalabas ito sa isang special screening sa isang mall sa Ortigas kamakailan.

Dahil dito, proud si Alden sa mga taong bumubuo ng Start-Up Ph dahil sa magandang kinalabasan nito.

"It's another milestone for us. It's another milestone for GMA to be able to make a successful adaptation of a series. It's a collective effort, and ang sarap lang maging part nung team na 'to kasi nakagawa kami ng maganda out of this."

Bukod kay Alden, bumibida rin sa Start-Up Ph sina Bea Alonzo, Yasmien Kurdi, at Jeric Gonzales.

Kasama rin sa star-studded cast sina Gina Alajar, Boy 2 Quizon, Royce Cabrera, Kim Domingo, Ayen Munji-Laurel, Niño Muhlach, Lovely Rivero, Jackie Lou Blanco, Neil Ryan Sese, Gabby Eigenmann, Kevin Santos, Kaloy Tingcungco, Tim Yap, Jay Arcilla, at Brianna.

KILALANIN KUNG SINU-SINO ANG GAGAMPANAN NILANG MGA KARAKTER DITO: