GMA Logo Neil Ryan Sese
What's on TV

Karakter ni Neil Ryan Sese sa 'Start-Up PH,' kinaawaan ng mga manonood

By EJ Chua
Published October 4, 2022 6:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Neil Ryan Sese


Naiyak o naka-relate rin ba kayo sa ilang eksena ni Neil Ryan Sese bilang si Chito Sison sa 'Start-Up PH?'

Sa ongoing GMA drama series na Start-Up PH, hindi lang mga karakter ng lead stars ang sinusubaybayan ng mga manonood.

Bukod sa iba't ibang kuwento ng mga role ng Kapuso stars na sina Alden Richards, Bea Alonzo, Yasmien Kurdi, at Jeric Gonzales, isa sa mga tinutukan din ng television viewers at netizens ay ang naging karakter ng seasoned actor na si Neil Ryan Sese.

Sa nakaraang episodes ng bagong programa, napanood si Neil bilang si Chito Sison, ang dating asawa ni Alice (Ayen Munji-Laurel) at ama nina Ina (Yasmien Kurdi) at Dani (Bea Alonzo).

Isang matalino, masunurin, at masipag na empleyado si Chito kahit na binubugbog siya ng boss nito.

Sa kagustuhan niyang matupad ang kaniyang pangarap tungkol sa pagtatayo ng isang negosyo, nagdesisyon siyang mag-resign sa trabaho upang pagtuunan ng pansin ang kaniyang dream business.

Ilang beses mang nagmakaawa sa kaniyang asawa noon na si Alice, iniwan pa rin siya nito at ng kaniyang anak na si Ina.

Dahil sa nangyari, ang kaniyang anak na si Dani at ang kaniyang ina na si Lola Joy (Gina Alajar) na lamang ang kaniyang naging katuwang sa buhay.

Isang araw, habang papunta si Chito sa isang importanteng meeting para sa kaniyang business proposal sa isang kumpanya, nasagasaan siya at nagtamo ng ilang injuries sa katawan.

Pero sa kabila nito, tumuloy pa rin siya kahit na duguan at hindi na maayos ang kaniyang kalagayan.

IIang oras lamang ang lumipas, binawian na siya ng buhay.

Matapos mapanood ang mga eksenang ito, kinaawaan ng ilang manonood at netizens ang karakter ni Neil bilang si Chito.

Narito ang ilang komento mula sa netizens:

Subaybayan ang Start-Up PH, mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ay ipapalabas ito sa oras na 11: 00 p.m.

Samantala, mapapanood din ang bagong programa sa GMA PinoyTV.

SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: