GMA Logo Bea Alonzo
What's on TV

Bea Alonzo talks about her preparations for 'Start-Up PH'

By EJ Chua
Published November 4, 2022 10:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 15, 2025
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo


Paano pinaghandaan ni Bea Alonzo ang kaniyang kauna-unahang show sa GMA Network? Basahin DITO:

Mula nang ipalabas ang GMA drama series na Start-Up PH sa TV at sa social media, mas naging maingay ang pangalan ng award-winning actress na si Bea Alonzo bilang isang ganap na Kapuso.

Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com kay Bea, ibinahagi niya kung paano siya naghanda para sa kauna-unahang serye niya sa GMA.

Pahayag niya, “I am very collaborative. So, definitely, I talked to my directors. Nakausap ko si Direk Jerry Sineneng, si Direk Dominic Zapata kung paano nila ie-execute 'yung Philippine version ng Start-Up Korea. Siguro that's how I prepare. They also did some workshops with my co-actors. Siyempre, unang-una kong ginawa is pinanood ko 'yung Start-Up Korea para alam ko rin kung paano natin ia-adapt sa Filipino version.”

Sa Philippine version ng Start-Up, ginagampanan ni Bea ang papel ni Danica “Dani” Sison, ang masipag at madiskarteng dalaga na gagawin ang lahat upang matupad ang kaniyang pangarap na maging CEO ng sarili niyang kumpanya.

Si Dani ang isa sa mga hinahangaan ngayon ng Start-Up PH fans at viewers.

Kamakailan lang, ibinahagi ni Bea ang kaniyang reaksyon tungkol sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa kaniyang karakter sa GMA drama series na Start-Up PH.

Matatandaang July 1, 2021, inanunsyo ng GMA Network na isa nang ganap na Kapuso si Bea.

Nito lamang nakaraang Oktubre, ginanap ang isang surprise party na pinaghandaan ng buong Start-Up PH team para sa 35th birthday ng aktres.

SILIPIN ANG LADY BOSS LOOKS NI BEA ALONZO SA GALLERY SA IBABA: