
Puno ng pasasalamat ang Sparkle heartthrob na si Jeric Gonzales nang magkuwento tungkol sa co-star niya sa Start-Up PH na si Bea Alonzo nang makapanayam ng 24 Oras.
Sa report ng Chika Minute kagabi, November 4, natutuwa ang Kapuso actor na marami ang nakasubaybay sa tandem nila ni Bea bilang “Team DaDa” (Dani and Dave) sa primetime series.
Saad niya, “Very happy, of course, sa mga comment at feedback ng mga viewers natin, mga Kapuso natin. Kasi, hindi ko inexpect talaga. Dream ko lang makasama si Miss Bea Alonzo, si Alden [Richards], and then si Yasmien [Kurdi]. So, I'm happy na napapansin nila 'yung work ko sa Start-Up PH.”
Lahad din ni Jeric na inspiring na makatrabaho si Bea na nagsilbing “mentor” niya sa serye.
“Si Bea, I was so inspired kasi grabe 'yung professionalism niya, 'yung work niya. Ang dami ko natutunan sa kaniya talaga. Ang dami kong learnings na gagamitin ko pa sa mga susunod na projects. Ang sarap niya katrabaho and ginuide niya talaga ako dito sa Start-Up PH.”
Blessing din na maituturing for Jeric ang nabuo niyang friendship with Boy2 Quizon at Royce Cabrera na gumaganap bilang Wilson at Jeff sa Start-Up PH.
Paano kaya ang bonding moments nila sa shoot?
Kuwento ni Jeric, “Nagshi-share kami ng mga food namin and then in between takes, nagti-TikTok mga ganun, sayawan. And then, kanta ganun, ako kasi may dala ako palaging gitara.”
Dagdag niya, “Unexpected friendship talaga 'to na nabuo na kahit tapos na 'yung Start-Up, parang hanggang ngayon magkakapatid pa rin kami, kahit tapos na, nagkikita-kita kami, ayun bonding kami. Nagi-gym, and then eventually nga may pinaplano kaming mga businesses.”
KILALANIN ANG MGA KARAKTER SA START-UP PH SA GALLERY NA ITO: