
Isa si Jeric Gonzales sa mga aktor na sinusubaybayan ngayon ng mga manonood sa GMA Telebabad.
Kabilang si Jeric sa lead stars ng Start-Up PH, ang 2022 drama series na pinagbibidahan din nina Alden Richards, Bea Alonzo, at Yasmien Kurdi.
Kamakailan lang, sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa aktor, ibinahagi niya kung ano ang maipapayo niya kay Davidson 'Genius Boy' Navarro, ang karakter na ginagampanan niya sa serye.
“Slow down lang, take it easy, kasi the challenges are getting harder sa SandboxPH. Minsan kasi nalilito si Davidson kung it's about love or sa work, parang may ganong factor. 'Yung galing niya, kailangang gamitin niya talaga rito. 'Yung love nandiyan lang naman 'yan eh. So, 'yung competition about dream 'yung [dapat] i-goal niya rito.”
Bago pa ito, nagbigay ng pahayag ang award-winning actor tungkol sa mainit na suportang natatanggap ng Team DaDa (Dani at Davidson), ang tambalan nila ni Bea sa serye.
Ang karakter ni Jeric na si Davidson 'Genius Boy' ay ang karibal ni 'Good Boy,' ang role naman ni Alden sa ongoing GMA drama series.
Pinag-aagawan nila rito ang quirky dreamer at dalaga na si Dani (Bea Alonzo).
Patuloy na tumutok sa Start-Up PH, mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ay ipapalabas ito sa oras na 11: 00 p.m.
Samantala, mapapanood din ang programa sa Kapuso Livestream at GMA Pinoy TV.
Maaari ring balikan ang previous episodes ng serye dito.
SILIPIN ANG THIRST-TRAP PHOTOS NI JERIC GONZALES SA GALLERY SA IBABA: