GMA Logo Gabby Eigenmann Jeric Gonzales and Bea Alonzo
What's on TV

Start-Up PH: Danica Sison vs Arnold Diaz

By EJ Chua
Published November 21, 2022 1:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Concern raised over maggots in lechon at Davao City restaurant
Coca-Cola Philippines’ iSTAR Program Powers Family-Owned Carinderia’s Rise in Cebu
P-pop boy group VXON announces first concert

Article Inside Page


Showbiz News

Gabby Eigenmann Jeric Gonzales and Bea Alonzo


Arnold Diaz, nabigo sa kaniyang plano dahil kay Dani? Panoorin DITO:

Sa nalalapit na pagtatapos ng Start-Up PH, ang Pinoy adaptation ng isang breakthrough Korean drama, mas nagiging palaban na ang CEO ng Three Sons Tech na si Danica 'Dani' Sison, ang karakter na ginagampanan ni Bea Alonzo sa serye.

Kung noong una ay tila mahina ang loob ni Dani, ngayon ay kapansin-pansin na wala na siyang inaatrasan, mapa-problema man, o taong gustong harangan o pigilan ang pagsasakatuparan ng pangarap ng kaniyang grupo.

Isa na rito si Arnold Diaz (Gabby Eigenmann), ang naging bagong asawa ng ina ni Dani na si Alice (Ayen Munji-Laurel) at istriktong stepfather ng Ina Diaz (Yasmien Kurdi).

Dahil sa plano ni Arnold na pagsamantalahan ang kakayahan ng Team Dani, nagkaroon ng matinding alitan sa pagitan nina Arnold at Davidson 'Genius Boy' Navarro, ang role ni Jeric Gonzales sa drama series.

Kasunod nito, idinemanda ng salbaheng CEO ang dreamer na si Davidson, at isang kapalit ang hiniling nito upang i-atras niya ang kaso.

Sa kagustuhang makapagpatuloy pa rin sa SandboxPH, kinausap ni Davidson si Arnold, ngunit ang gusto nito ay lumuhod siya at si Dani sa harap nito.

Imbes na mainis, nakaisip ng panlaban si Dani kay Arnold.

Natandaan ng dalaga na noong i-present nila ni Davidson ang business proposal ng Three Sons Tech, ipina-record ni Tristan 'Good Boy' Hernandez (Alden Richards) ang naging usapan nila.

Nang iparinig ito ni Dani kay Arnold, nag-panic na ito dahil sa takot na mabunyag ang kaniyang masasamang balak para sa grupo ni Dani.

Panoorin ang recap video na ito:

Huwag palampasin ang susunod na mga kaganapan sa Start-Up PH mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay ipapalabas ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ay mapapanood ito sa oras na 11: 00 p.m.

Ipinapalabas din ang programa sa Kapuso Livestream at GMA Pinoy TV.

Maaari ring balikan ang iba episodes ng serye dito.

SAMANTALA, SILIPIN ANG THANKSGIVING PARTY NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: