
Bago ang nalalapit na pagtatapos ng GMA drama series na Start-Up PH, lumibot sa isa sa mga public market sa Quezon City, Philippines ang ilan sa mga aktor na kasalukuyang napapanood sa serye.
Sa ginanap na Start-Up PH Palengke Tour, pinagkaguluhan ang award-winning actor na si Jeric Gonzales at ang Kapuso hottie na si Kaloy Tingcungco.
Ang fans ng serye, hindi napigilang kiligin nang makaharap nila si Jeric na napapanood sa Start-Up PH bilang si Davidson 'Genius Boy' Navarro, isa sa founders ng Three Sons Tech.
Nakasama ni Jeric sa katatapos lang na event si Kaloy na napapanood sa serye bilang si Spencer, ang stepbrother ni Ina Diaz (Yasmien Kurdi) at ang anak ni Arnold Diaz (Gabby Eigenmann) sa ongoing series.
Sa latest Instagram post ni Jeric, ibinahagi niya ang isang short clip kung saan mapapanood ang ilang mga naging kaganapan sa naturang palengke tour.
Ang ilang Kapuso, makikitang nagkaroon ng pagkakataon na makapagpa-picture kasama ang award-winning actor.
Ayon sa caption ni Jeric, "Maraming salamat sa lahat ng mga kapuso natin dyan sa New A.Bonifacio Market na nakisaya sa aming tour! [heart emoji]. Solid kayo, ang saya!"
Dagdag pa niya, "At siyempre mga kapuso, 'wag po natin palalampasin ang mga kaabang-abang na eksena sa Start-Up PH gabi-gabi.”
Kilalang-kilala ng mga manonood si Davidson dahil siya rin ang karibal ni Tristan 'Good Boy' Hernandez (Alden Richards) sa puso ng dalaga na si Danica Sison, ang karakter na ginagampanan naman ng movie icon na si Bea Alonzo.
Patuloy na kinakikiligan ngayon sa Philippine adaptation ng hit Korean drama series na Start-Up ang Team DaDa (Davidson at Dani), ang tambalan nina Jeric at Bea, at ang Team TrisDan (Tristan at Dani) ang tambalan naman nina Alden at Bea.
Kamakailan lang, sinabi ni Jeric sa isang panayam na kinilig siya sa mainit na pagtanggap ng netizens sa tambalan nila ni Bea sa programa.
Huwag palampasin ang mga kaganapan sa natitirang ilang linggo ng Start-Up PH, mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay ipapalabas ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ay mapapanood ito sa oras na 11: 00 p.m.
Ipinapalabas din ang programa sa Kapuso Livestream at GMA Pinoy TV.
Maaari ring balikan ang iba episodes ng serye dito.
SAMANTALA, SILIPIN ANG THIRST-TRAP PHOTOS NI JERIC GONZALES SA GALLERY SA IBABA: