GMA Logo Yasmien Kurdi, Jackie Lou Blanco, and Bea Alonzo in Start Up PH
Courtesy: GMA Network
What's on TV

Start-Up PH: Ina needs to face the consequences of her lies

By EJ Chua
Published December 9, 2022 2:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Picture-perfect Taichung: Four popular attractions where heritage, art, and nature meet
Man nabbed for blackmailing ex-girlfriend in Davao City
Japanese sushi chain pays $3.2 million for tuna at auction

Article Inside Page


Showbiz News

Yasmien Kurdi, Jackie Lou Blanco, and Bea Alonzo in Start Up PH


Karma is real! Bakit ka pa kasi nagsinungaling Ina (Yasmien Kurdi)?

Bago ang nalalapit na pagtatapos ng GMA drama series na Start-Up PH, marami pang rebelasyon ang dapat abangan ng mga manonood.

Isa na rito ang mga bagay at sitwasyon na magiging kapalit ng pagsisinungaling ni Katrina 'Ina' Diaz (Yasmien Kurdi) sa CEO ng SandboxPH na si Ms. Sandra Yoon (Jackie Lou Blanco).

Bukod dito, dahil sa nalaman ni Dani (Bea Alonzo) tungkol sa ginawa ng kaniyang kapatid na si Ina ay muling magbabago ang tingin niya rito.

Imbes na maayos na ang kanilang relasyon bilang magkapatid, muling nagkagalit ang dalawa dahil sa pagsisinungaling ni Ina.

Matatandaang nang tanungin noon nina Ms. Yoon at Tristan Hernandez (Alden Richards) si Ina, sinabi nitong siya ang batang naging inspirasyon ng konsepto ng SandboxPH.

Sa episode na ipinalabas kahapon na may hashtag na #GirlOnTheSwing, nalaman ni Ms. Yoon na nagsinungaling sa kaniya ang dalaga at ang tunay palang batang babae na iyon ay si Dani at hindi si Ina.

Dahil dito, tila sisiguraduhin ni Ms. Yoon na maparusahan si Ina habang nasa loob ito ng SandboxPH.

Panoorin ang video na ito:

The aftermath of Ina's lies

Kakayanin kaya ni Ina na tanggapin ang magiging kapalit ng kaniyang pagsisinungaling?

Huwag palampasin ang mga huling tagpo sa Start-Up PH mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay ipapalabas ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ay mapapanood ito sa oras na 11: 00 p.m.

Ipinapalabas din ang programa sa Kapuso Livestream at GMA Pinoy TV.

Maaari ring balikan ang iba episodes ng serye dito.

SAMANTALA, TINGNAN ANG CHIC LOOKS NI YASMIEN KURDI SA GALLERY SA IBABA: