
Sa nalalapit na pagtatapos ng Start-Up PH, pakilig nang pakilig ang mga eksenang napapanood sa programa.
Ngayong nakabalik na ng Pilipinas, tila bagong buhay ang nakaabang kay Tristan "Good Boy" Hernandez, ang karakter na ginagampanan ng Asia's Multimedia Star na si Alden Richards sa serye.
Habang si Tristan ay abala sa pag-aasikaso ng mga bagay na naiwan niya noong siya ay umalis, si Danica "Dani" Sison (Bea Alonzo) naman ay abala sa mga plano niya para sa kaniyang love life.
Isang gabi, habang nasa dinner date sina Tristan at Dani, naramdaman ng dalaga na tila nagkakailangan sila ng binata.
Kaya naman, bago sila umuwi, sinabi ng CEO na si Dani ang kaniyang tunay na nararamdaman at pagkatapos noon ay kinabahan na ang kaniyang mentor na si Tristan.
Buong akala ni Tristan ay ayaw sa kaniya ni Dani dahil pinapatigil na siya nito sa panliligaw.
Kalaunan ay napagtanto ng binata na iba pala ang gustong sabihin ng dalaga sa kaniya.
Ang gusto pala nito ay lampasan na ang ligawan stage upang hindi na masayang ang pagkakataon para maiparamdam nila na mahal nila ang isa't isa.
Dahil sa mga sinabi ni Dani, hindi napigilan ni Tristan na maiyak dahil sa saya na kaniyang nararamdaman ngayong karelasyon na niya ang babaeng kaniyang pinapangarap mula noong sila ay bata pa.
Panoorin ang nakakakilig na eksena nina Tristan at Dani sa video na ito:
Ngayong sina Tristan at Dani ay in a relationship na, paano na kaya si Davidson "Genius Boy" Navarro (Jeric Gonzales)?
Ano kaya ang magiging reaksyon ni Davidson kapag nalaman niya ang tungkol sa dalawa?
Huwag palampasin ang mga huling tagpo sa Start-Up PH Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay ipapalabas ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ay mapapanood ito sa oras na 11: 00 p.m.
Ipinapalabas din ang programa sa Kapuso Livestream at GMA Pinoy TV.
Maaari ring balikan ang iba episodes ng serye dito.
SAMANTALA, TINGNAN ANG LADY BOSS LOOKS NI BEA ALONZO SA GALLERY SA IBABA: