What's on TV

'Stolen Life' nina Carla Abellana, Beauty Gonzalez, at Gabby Concepcion, magsisimula na sa November

By Maine Aquino
Published September 19, 2023 6:30 PM PHT
Updated October 12, 2023 8:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Saksi Express: December 22, 2025 [HD]
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust
Michelle Dee celebrates the holidays with a designer bag

Article Inside Page


Showbiz News

Carla Abellana, Beauty Gonzalez, Gabby Concepcion in Stolen Life


Narito ang pasilip sa seryeng pagbibidahan nina Carla Abellana, Beauty Gonzalez, at Gabby Concepcion na 'Stolen Life.'

Ipinasilip na ang inaabangang serye na pagbibidahan ng mga hinahangaang Kapuso stars na sina Carla Abellana, Beauty Gonzalez, at Gabby Concepcion.

Ang Stolen Life ay ang GMA Afternoon Prime drama tungkol sa isang babaeng "mananakawan" ng buhay dahil sa astral projection.

Saad sa teaser na ipinalabas ngayong September 19, "kilala mo ba ang taong nasa harap mo?"

Mapapanood si Carla bilang si Lucy, ang babaeng mapapangasawa ng mayaman at mapagmahal na si Darius na gagampanan naman ni Gabby. Samantala, si Beauty ay mapapanood bilang Farrah, ang babaeng nagnanais na makamit ang buhay ng kanyang pinsang si Lucy.

Stolen Life

Makakasama nina Carla, Beauty at Gabby sa Stolen Life sina Celia Rodriguez bilang Azon Rigor, Divine Aucina bilang Joyce, Anjo Damiles bilang Vince, Lovely Rivero bilang Belen, at William Lorenzo bilang Ernesto.

Ang Stolen Life ay magsisimula na ngayong November 2023 sa GMA Afternoon Prime at sasailalim sa direksyon ni Jerry Sineneng.