GMA Logo Carla Abellana and Beauty Gonzalez in Stolen Life
What's on TV

Astral projection, ipakikita sa 'Stolen Life'

By Maine Aquino
Published October 15, 2023 6:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

46,000 Catholics join first day of Misa de Gallo in Davao City
'Easiest scam in the world': Musicians sound alarm over AI impersonators
Kelvin Miranda sizzles on the cover of online lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Carla Abellana and Beauty Gonzalez in Stolen Life


Alamin ang astral projection, na magiging tema ng istorya 'Stolen Life' sa GMA Afternoon Prime.

Kakaiba at kapana-panabik ang kuwento ng Stolen Life, na bagong handog ng GMA Afternoon Prime, dahil iikot ito sa konsepto ng astral projection.

Sa pinakabagong teaser ng Stolen Life, makikitang nagkapalit ng kaluluwa sina Lucy (Carla Abellana) at Farrah (Beauty Gonzalez). Magiging "fake bride" ang una habang and huli ay magiging wanted criminal na gagawa ng paraan para makabalik sa kanyang pamilya.

Carla Abellana and Beauty Gonzalez in Stolen Life

Ayon sa headwriter ng Stolen Life na si Glaiza Ramirez, ang astral projection ay "isang supernatural phenomenon kung saan humihiwalay ang kaluluwa ng isang tao sa kanyang pisikal na katawan at nakakapaglakbay ito."

Si Lucy ay mapapangasawa ang mayaman at mapagmahal na si Darius (Gabby Concepcion). Ang pinsan naman niyang si Farrah ay makararanas ng kabaliktaran sa buhay ni Lucy. Dahil sa isang pangyayari, magiging wanted criminal si Farrah. Dahil sa inggit, gagamitin ni Farrah ang astral projection para makuha ang magandang buhay ni Lucy.

Ipinaliwanag ng headwriter ng Stolen Life na si Glaiza kung bakit astral projection ang napiling konsepto sa pinakabagong handog ng GMA Afternoon Prime.

"Gusto naming magpakita ng kakaibang kwento sa audience, kung saan ang bida ay naging kontrabida and vice versa. We wanted a show that will highlight the versatility of our actresses in afternoon prime and astral projection became the perfect device for this concept."

Dugtong pa ni Glaiza, "The concept is inspired by the old movie, Face Off, na nagkapalit ng mukha. But this time, we upped it, itinaas natin into SOUL OFF - nagkapalit ng kaluluwa!"

Makakasama nina Carla, Beauty, at Gabby sa Stolen Life si Celia Rodriguez bilang Azon Rigor. Kasama rin sa bagong aabangang GMA Afternoon Prime series sina Divine Aucina bilang Joyce, Anjo Damiles bilang Vince, Lovely Rivero bilang Belen, at William Lorenzo bilang Ernesto.

Mapapanood na ang world premiere ng Stolen Life sa November 13 at sailalim ng direksyon ni Jerry Sineneng.