
Umani agad ng mataas na rating ang pilot episode ng Stolen Life.
Ipinalabas ang pilot episode ng Stolen Life noong Lunes, November 13.
Nakakuha ang Stolen Life ng 8.4 percent rating ayon sa NUTAM People Ratings.
Tampok sa episode na ito ang pagsisimula ng kuwento nina Lucy, Farrah, at Darius. Sila ang mga karakter nina Carla Abellana, Beauty Gonzalez, at Gabby Concepcion na haharap sa astral projection.
Bukod sa mataas na ratings ay umani rin ng papuri sa mga netizens ang Stolen Life.
Huwag magpahuli at patuloy na subaybayan ang gumaganda pang kuwento ng Stolen Life. Tumutok sa Stolen Life Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at sa Pinoy Hits.