
Nakumpirma na totoo ang sinasabi ni Farrah na ipinagbubuntis niya ang anak ni Darius.
Nagresulta ito sa gulo dahil sa hindi ito matanggap ni Lucy. Ipinilit naman ni Farrah na tumira siya kasama nila ni Darius at nang hindi sila pumayag ay pumunta siya sa isang abortion house.
Hindi pabor si Azon na bumalik si Farrah sa kanilang bahay, pero dahil sa pakiusap nina Lucy at Darius ay pumayag na rin ito. Nagkaroon ng gulo nang sinabi ni Farrah kay Cheska na dinadala niya ang kapatid nito.
Sinubukan akitin ni Farrah si Darius nang puntahan siya nito sa guesthouse. Nagkaroon ng gulo nang komprontahin ni Lucy si Farrah dahil sa ginawa nito kay Darius.
Dinala sa ospital si Farrah pagkatapos ang pag-aaway sa bahay ng mga Rigor. Dito napag-alaman na nakunan si Farrah. Dahil sa galit ni Farrah sa pagkamatay ng kaniyang ipinagbubuntis ay nagtangka siyang saktan ang mga tao sa kaniyang paligid.
Dinala si Farrah si isang mental institution para magpagamot. Ngunit nakatakas ito at hinanap si Darius. Isinakay ni Farrah ang walang malay na si Darius para makaganti kay Lucy.
Huwag magpahuli sa huling linggo ng Stolen Life. Panoorin ito sa GMA Afternoon Prime at Pinoy Hits, Lunes hanggang Biyernes 3:20 p.m. Mapapanood din ang Stolen Life online sa Kapuso Stream.
Samantala, balikan ang cast ng Stolen Life: