
Nasasabik na ang mga manonood na makita kung paano magtatapos ang kuwento nina Lucy (Carla Abellana), Farrah (Beauty Gonzalez), at Darius (Gabby Concepcion) sa Stolen Life.
Sa episode kahapon, February 29, ipinakitang punong-puno ng galit si Farrah sa mag-asawa na sina Lucy at Darius. Dahil sa hindi papayag si Farrah na maging maligaya ang dalawa, sinaktan niya ang mag-asawa bago tuluyang kinuha si Lucy para matuloy ang kaniyang paghihiganti.
Excited na ang mga manonood na masaksihan kung paano magtatapos ang Stolen Life. Ilan sa mga ito ay nadala sa kuwento ng pagmamahal nina Lucy at Darius at paghihiganti naman ni Farrah.
Ayon sa isang netizen, "Grabe palabas na to di man lang Tayo makapagpahinga ayan na naman c Farah."
Komento naman ng isa, "Nakaka awa si cheska hindi nya alam ang nangyayari sa pamilya nila…"
Papuri naman ang tinanggap ng lead stars ng Stolen Life.
"Ganda ng stolen life gagaling pa umarte ng cast beauty Carla at mr Gabby."
Ngayong Biyernes, malalaman na natin kung magtatagumpay si Farrah sa paggawa ng kasamaan laban kay Lucy. Magkakasama pa ba ang mag-asawa na sina Lucy at Darius?
Abangan ang mangyayari sa finale episode ng Stolen Life mamayang 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime. Mapapanood din ang Stolen Life online sa Kapuso Stream.
Samantala, balikan ang cast ng Stolen Life: