IN PHOTOS: A sneak peek into the lock-in taping of 'Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette'

Nagsimula na ang lock-in taping ng "Loving Miss Bridgette," isa sa mga upcoming mini-series mula sa seryeng 'Stories from the Heart.'
Tampok dito sa Beauty Gonzalez bilang Bridgette de Leon, isang konserbatibong guidance counselor na bagong annul.
Para malimutan ang mapait na karanasan at magsimula muli, magbabakasyon siya sa sa La Cuenca.
Makakatambal ni Beauty sa serye si Kapuso actor Kelvin Miranda na gaganap bilang Marcus, isang binatang may pagka-pilyo.
Sa kabila ng agwat sa kanilang edad at maging estado sa buhay, magkakaroon ng isang secret love affair ang dalawa.
First time magkatrabaho nina Beauty at Kelvin.
Unang beses din nilang magkita sa personal nang mag-check in sila sa isang hotel para sa kanilang mandatory quarantine bago magsimula ang taping.
Silipin ang ilang eksena mula sa unang araw ng kailang lock-in taping sa gallery na ito:









