BEHIND THE SCENES: Gabbi Garcia and Khalil Ramos on the set of 'Stories from the Heart: Love On Air'

Excited na ba kayong makitang muli ang 'GabLil' sa isang series?
Matapos makumpleto at mag-negatibo sa swab test ang cast at crew, nagsimula na ang lock-in taping ng third offering ng drama anthology series na 'Stories From the Heart,' ang "Love On Air," na pinagbibidahan ng real-life Kapuso couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.
Bukod sa dalawa, kapana-panabik din ang mga karakter na gagampanan nina Kate Valdez, Yasser Marta, Kiray Celis, at Jason Francisco para sa nasabing series.
Habang naghihintay na mapanood sila, narito muna ang ilang mga larawan mula sa kanilang lock-in taping:













