IN PHOTOS: Ang pagkikita nina Joyce at Victoria sa 'Stories From The Heart: Never Say Goodbye'

Mga Kapuso, nasaksihan n'yo ba ang mga kaganapan noong nakaraang linggo sa 'Stories From The Heart: Never Say Goodbye?'
Bilang pagbabalik-tanaw, isa sa mga highlight dito ay ang unang pagkikita ng dating nobya ni Bruce (Jak Roberto) na si Joyce (Klea Pineda) at ang legal na asawa ng una na si Victoria (Lauren Young).
Sa paghaharap ng dalawa, hindi napigilan na magalit ni Victoria sa ex-girlfriend ng kanyang asawa dahil hinayaan nitong bumalik si Bruce sa kanyang buhay kahit alam niyang kasal na ito.
Ang matinding eksena na ito ay umani ng iba't ibang hugot mula sa netizens at ibinahagi ang kani-kanilang emosyon at opinyon sa official Facebook page ng GMA Drama.
Bukod dito, pinakita rin na lumalala ang kondisyon ni Joyce nang malaman na nasa stage four na ang breast cancer nito ay mayroong 22 percent chance na survival rate ayon kay Dra. Darla Delos Reyes (Shermaine Santiago).
Muling balikan ang mga kaganapan noong ikaapat na linggo sa 'Stories From The Heart: Never Say Goodbye' dito:







