ICYMI: Ang madugong annulment trial nina Maggie at Jeffrey sa 'Stories from the Heart: The End of Us'

Sa ikalawang linggo ng 'Stories from the Heart: The End of Us,' bumuhos ang galit at emosyon sa pagitan nina Maggie (Carmina Villarroel) at Jeffrey (Zoren Legaspi) sa pagpapatuloy ng proseso ng kanilang annulment case.
Hindi lubos akalain ni Maggie na aakusahan siya ni Jeffrey na mayroon siyang "Psychological Incapacity" na naging dahilan daw ng kanilang laging pagtatalo at hindi pagkakaunawaan. Taliwas kasi ito sa kaniyang ugali at tunay na nangyari sa kanilang pagsasama.
Patuloy din ang pakikisawsaw ni Eunice upang mapabilis ang proseso ng paghihiwalay ng mag-asawa pero kahit ano ang gawin niya ay tila may natitirang pag-ibig pa rin si Jeffrey para kay Maggie.
Balikan ang ilan pang mga tagpo sa 'Stories from the Heart: The End of Us' DITO:









