
Mainit ang naging pagtanggap ng netizens sa pilot episode ng "Loving Miss Bridgette," ang unang kuwento sa afternoon drama anthology na Stories from the Heart.
Pinagbibidahan ito nina Beauty Gonzalez na gumaganap bilang Bridgette, bagong annul na guidance counselor; at Kelvin Miranda na gumanaganap naman bilang Marcus, mas batang medical student na mai-in love sa kanya.
Nag-ugat sa isang chance encounter habang nagbabakasyon ang kanilang bawal na pag-ibigan.
Ang eksena kung saan nag-party, nagkaroon ng heart-to-heart talk at nauwi sa gabing hindi nila malilumutan ang isa sa most watched highlight clips ng "Loving Miss Bridgette" sa YouTube.
Sa katunayan, umabot na ng one million views ang clip na ito simula nag i-upload ito nong mismong simula ng serye noong September 13.
Panoorin ang video ng wild night nina Bridgette at Marcus sa video sa itaas.
Bukod sa YouTube maari ding manood ng highlight clips, online exclusives, at maging full episodes ng "Loving Miss Bridgette" sa official show page ng Stories from the Heart.
Available din ang full episodes ng "Loving Miss Bridgette" at iba pang Kapuso shows sa official mobile app ng GMA Network at sa GMANetwork.com/FullEpisodes.
Samantala, patuloy na tumutok sa "Loving Miss Bridgette" sa afternoon drama anthology na Stories from the Heart, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 pm sa GMA Afternoon Prime.