GMA Logo Klea Pineda and Jak Roberto
What's on TV

Stories From The Heart: Never Say Goodbye: Ang pagmamahalan at pahiwalay nina Joyce at Bruce | Week 1

By Dianne Mariano
Published October 25, 2021 10:24 AM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Klea Pineda and Jak Roberto


Sa unang linggo ng 'Never Say Goodbye,' nasilayan ang pagmamahalan at paghihiwalayan nina Joyce Kintanar at Bruce Pelaez.

Sa unang linggo ng Never Say Goodbye, nagkakilala sina Joyce (Klea Pineda) at Bruce (Jak Roberto) sa St. Raphael Church kung saan nagsimula ang kanilang pagmamahalan.

Sa paglabas ng resulta ng nursing board exams, pumasa si Joyce bilang isang registered nurse at hindi naman pinalad si Bruce ngunit nakaisip ng plano ang huli para matuloy pa rin ang kanilang American dream.

Hindi naman makakasama ni Joyce ang kanyang nobyo papuntang abroad dahil sa iba't ibang problema na hinaharap ng kanyang pamilya.

Bago umalis si Bruce patungong U.S. bilang caregiver, nag-propose muna siya kay Joyce at nagsagawa pa ng isang instant “wedding” sa carinderia ni Nanay Cora (Mosang).

Habang nasa U.S. nakilala naman ni Bruce si Victoria (Lauren Young) at nag-offer ang huli na maging caregiver ang una ng kanyang tatay.

Sa gitna ng kanilang matinding pagtatalo, nakipaghiwalay na si Joyce kay Bruce.

Matapos ang pitong taon,nasa larangan na ng real estate si Joyce at nalaman rin n'ya na engaged na si Bruce kay Victoria.

Tumawag naman si Bruce kay Edwin (Luke Conde) at sinabing uuwi siya sa Pilipinas ngunit binilin na huwag ito sasabihin kahit kanino.

Isang hamon na naman ang hinaharap ni Joyce nang may maramdaman itong sakit sa kanyang dibdib. Komunsulta siya kay Dra. Darla Delos Reyes (Shermaine Santiago) dahil may posibilidad na ito'y breast cancer.

Muli naman nagtagpo sina Joyce at Bruce sa burol ni Edwin matapos itong maaksidente.

Ano na kaya ang susunod na mangyayari kina Joyce at Bruce?

Patuloy na subaybayan ang "Never Say Goodbye" sa drama-anthology series na Stories From The Heart mula Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Panoorin ang ilang maiinit na highlights ng Stories From The Heart: Never Say Goodbye dito:

Never Say Goodbye: Bruce meets Joyce | Stories From The Heart (Episode 1)

Never Say Goodbye: Joyce and Bruce's instant wedding | Stories From The Heart (Episode 2)

Never Say Goodbye: Joyce makikipag-break na?! | Stories From The Heart (Episode 3)

Never Say Goodbye: Bruce's greatest heartbreak | Stories From The Heart (Episode 4)

Never Say Goodbye: Paghaharap ng mag-ex!| Stories From The Heart (Episode 5)

Samantala, silipin ang behind-the-scenes ng Team Never Say Goodbye sa gallery na ito: