
Sa pangalawang linggo ng Stories From The Heart: Never Say Goodbye, binisita ni Joyce (Klea Pineda) si Dra. Darla Delos Reyes (Shermaine Santiago) para sa resulta ng kanyang biopsy at nakumpira na mayroong stage 2 breast cancer ang una.
Itinago muna ni Joyce ang tunay nitong kalagayan sa kanyang pamilya at sinabi kay Alana (Herlene Budol) na magpapa-admit siya sa ospital para sumailalim sa chemotherapy. Binisita naman ni Bruce (Jak Roberto) si Joyce sa pinagtatrabahuhan nito upang mag-usap ngunit pinaalis ng huli ang una.
Nagpaalam si Joyce sa kanyang ina na si Susan (Snooky Serna) at kapatid na si Jackilyn (Max Eigenmann) na pupunta siya ng Tagaytay para sa isang training at naging emosyonal nang ibahagi ang pagmamahal nito sa dalawa.
Nagpunta naman si Bruce sa ospital para hanapin si Alana ngunit nalaman n'ya na naka-admit si Joyce at pinuntahan ang kwarto nito. Nang makita nang una ang kondisyon ng kanyang dating minamahal, inamin na ni Joyce siya'y may cancer.
Sa pag-uusap ni Joyce at Bruce, ipinaliwanag ng huli ang kanyang dahilan kung bakit siya nagpakasal agad matapos nang hiwalayan nila.
Nagtungo naman si Jackilyn sa pinagtatrabahuhan ni Joyce at nalaman na walang training ang kanyang kapatid sa Tagaytay. Naging emosyonal ito nang aminin na ng kanyang kapatid ang totoo habang sila'y nasa ospital.
Habang nag-uusap sina Bruce at Victoria (Lauren Young) ay biglang narinig ng huli ang tunog ng isang paging sa ospital at sinabi ni Lily (Kim Rodriguez) na masakit ang kanyang tiyan kaya sila nasa naturang lugar.
Naging emosyonal naman sina Joyce at Susan nang malaman ng huli na lumala ang tunay na kalagayan ng kanyang anak.
Patuloy na panoorin ang Stories From The Heart: Never Say Goodbye tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Balikan ang mga maiinit na eksena noong nakaraang linggo sa Stories From The Heart: Never Say Goodbye dito.
Never Say Goodbye: Joyce gets diagnosed with breast cancer | Stories From The Heart (Episode 6)
Never Say Goodbye: Pahiwatig ng pamamaalam | Stories From The Heart (Episode 7)
Never Say Goodbye: Labasan ng hinanakit | Stories From The Heart (Episode 8)
Never Say Goodbye: Sakit nasusubok sa magkapatid | Stories From The Heart (Episode 9)
Never Say Goodbye: Joyce's condition is getting worse | Stories From The Heart (Episode 10)
Samantala, silipin ang behind-the-scenes ng lock-in taping ng Stories From The Heart: Never Say Goodbye sa gallery na ito: