GMA Logo Gabbi Garcia and Khalil Ramos
What's on TV

Performance nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa 'Stories from the Heart: Love On Air,' hinangaan ng netizens

By Jimboy Napoles
Published December 16, 2021 9:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Gilas Women dethrone Indonesia, reach gold medal match
3 positive during drug test at terminal in Davao City
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Gabbi Garcia and Khalil Ramos


May bagong ipinakitang acting performance ang celebrity couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos na lubos na ikinagulat ng 'Stories from the Heart: Love On Air' viewers.

Maraming netizens online ang humanga sa ipinakitang acting skills ng real-life Kapuso couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa isang episode ng finale week ng Stories from the Heart: Love On Air.

Sa episode 13 ng nasabing series, sumabog na sa selos ang karakter ni Khalil na si Joseph sa namumuong magandang samahan nina Wanda (Gabbi Garcia) at Nacho Bautista (Yasser Marta) kaya naman nauwi sa pagtatalo ang pag-uusap nila ni Wanda.

Bumuhos ang emosyon ng celebrity couple sa nasabing eksena na ikinagulat at ikinabilib ng maraming viewers. Sa Twitter idinaan ng netizens ang kanilang paghanga sa galing sa pag-arte nina Gabbi at Khalil.

Ang ilang viewers, nagulat sa pag-atake ni Gabbi sa isa sa mga heavy drama scenes ng series.

May ilan pa na humihiling na mapahaba pa ang istorya ng serye na magtatapos na ngayong Biyernes, December 17.

Panoorin ang madamdaming eksenang ito nina Joseph at Wanda rito:

Ito ang first Kapuso series ni Khalil Ramos at ang unang serye rin kung saan katambal niya ang girlfriend na si Gabbi.

Tutukan pa ang huling linggo ng Stories from the Heart: Love On Air, 3:25 ng hapon pagkatapos ng Las Hermanas sa GMA Afternoon Prime.

Balikan ang behind the scenes sa naging lock-in taping ng Stories from the Heart: Love On Air sa gallery na ito: