
Matapos ang ilang buwan ng kaniyang pagkapanalo bilang grand champion ng The Clash at maging parte ng Studio 7, hindi pa rin mawala ang galak at pagka-overwhelm ni Golden Cañedo sa tinatamasang tagumpay.
Kuwento niya sa kaniyang media conference para sa kaniyang latest single na “Tayo Pa Rin," malaki ang pasasalamat niya sa Studio 7.
“Nagpasalamat po talaga ako sa kanilang lahat [sa Studio 7] kasi mga big stars po talaga 'yung nakakasama ko sa mga production."
Dagdag niya, “Sina Ms. Lani[Misalucha], si Ate Julie [Ann San Jose], si Mr. Christian [Bautista], si Sir Mark Bautista, hindi ko po inaakalang makakasali po ako at makaka-duet ko sila lalo na si Ms. Lani na naging judge ko sa The Clash.”
Ibinahagi rin ni Golden kung sinong Studio 7 artist ang gusto niyang maka-duet kung magkaroon siya ng sariling concert.
Sagot niya, "Unang una po, si Mr. Christian Bautista kasi siya po 'yung nag-judge sa akin noon sa The Clash at hanggang ngayon gina-guide pa rin niya ako."
Parte rin si Golden ng gaganaping gaganaping Studio 7: MusiKalye sa Brooklyn, New York ngayong May 11.
"Excited po ako mag-perform doon kasi iba po 'yung mga tao doon."
"May kamaganak po ako doon na itu-tour daw po ako so excited po akong mag-selfie," saad niya.
Makakasama ni Julie sina Rayver Cruz, Christian Bautista, Kyline Alcantara at Alden Richards.
EXCLUSIVE: Golden Cañedo reveals secret to her beautiful voice
IN PHOTOS: Golden Cañedo's inspiring transformation
ALAMIN: Istorya tungkol sa bagong single ni Golden Cañedo na "Tayo Pa Rin"