What's on TV

WATCH: Wally Bayola, birthday wish na sana umepekto na ang hair grower na ginagamit

By Bea Rodriguez
Published May 8, 2018 5:11 PM PHT
Updated May 8, 2018 5:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Plaint up vs 14 brgy officials, workers for alleged cash aid modus
Small exchange gifts paandar sa Christmas parties o reunions, kinaaaliwan
PAWS reacts, calls on witnesses to the brutal killing of Axle

Article Inside Page


Showbiz News



Simple lang ang birthday wish ni Kapuso comedian Wally Bayola ngayong 2018. Panoorin ang video ng kanyang birthday celebration sa 'Sunday PinaSaya.'

Happy Birthday, Wally! Simple lang ang birthday wish ni Kapuso comedian Wally Bayola ngayong 2018.

“[Ang] birthday wish ko [ay] sana umepekto na ‘yung hair grower na nilalagay ko,” patawang sinabi ng komedyante sa pagwakas ng segment ng Kainan sa Papaitan sa Sunday PinaSaya.

“Mga isang dosena na” raw ang nagamit ng Kapuso star ngunit hanggang ngayon ay gumagamit pa rin siya ng wig.

May pa-birthday cake ang Sunday noontime show kaya nagpasalamat ang aktor, “Maraming-maraming salamat sa mga kasamahan ko dito sa Sunday PinaSaya [at] sa aming mga bosses.”

Absent sana ang kapwa niyang Comedy Concert King na si Jose Manalo ngunit pumasok ito dahil alam niyang kaarawan ng kanyang matalik na kaibigan, “Brod, Happy Birthday! God bless!”

Ibinida naman ni Pambansang Bae Alden Richards ang kanyang nakakasama sa Eat Bulaga at Sunday PinaSaya, “Kuya Wally, mahal na mahal ka namin. Alam mo, wala na akong masabi pa kung gaano kabuting tao po [siya], mga Dabarkads [at] mga Kapuso.”