
No pressure.
READ: 'Sunday PinaSaya', nagbigay pasasalamat sa mainit na suporta ng mga Kapuso
Ganiyan isinalarawan ng Kapuso comedians na sina Jose Manalo at Wally Bayola ang mas pinaigting na kumpetisyon sa pagitang ng Sunday musical variety show nila na Sunday PinaSaya kontra sa rival program nito.
Matatandaan na matapos umalis ni Asia's Songbird Regine Velasquez sa Kapuso Network ay naging isa ito sa bagong hosts ng musical variety show sa kabilang channel.
Ayon sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Wally Bayola, ngayong araw (February 1) sa contract signing ng Eat Bulaga sa Kapuso network, sinabi nito na hindi nagpapadala sa pressure ang buong team ng Sunday PinaSaya at sa halip mas iniisip nila ang kanilang motto na magpasaya ng viewers.
IN PHOTOS: EB Dabarkads witness contract signing event of 'Eat Bulaga' and GMA-7
“Kami naman masaya lang. Ang motto namin, basta pasayahin lang natin sila. Kasi pag nag-focus kami dun sa [pressure] baka lalo kaming ma-rattle alam mo 'yun. Lalong mamali 'yung gagawin namin.
“So relax lang, basta ano lang tayo dun sa motto natin na pasayahin lang natin sila so that's it.”
Para naman kay Jose Manalo, focused daw sila ng cast members niya sa Sunday PinaSaya na mas pagandahin ang lahat nang gagawin nila every week.
“Hangga't alam natin at nararamdaman natin 'yung mga Kapuso natin ay nandiyan mas pagagandahin pa natin kung ano 'yung gagawin natin. Puro bago 'yung mga kasama naming artista diyan ng GMA, pero magagaling silang lahat, masarap katrabaho. At masarap mag-trabaho sa Kapuso Network.”