
Taus-puso ang pasasalamat ng Kapuso star na si Alden Richards sa naging successful na apat na taon ng weekend noontime variety show na Sunday PinaSaya.
Aniya, “It's been a good run for Sunday PinaSaya at sobrang pinalakas ng Sunday PinaSaya 'yung Sunday natin. SPS changed the whole idea of a Sunday show for the Filipinos. Of course, we're very grateful to APT Studios and GMA for letting us showcase a new concept.”
Aminado si Alden na hindi niya inaakala na magiging supportive ang masa sa comedy concept ng Sunday PinaSaya dahil nasanay ang mga manonood sa mga musical variety shows tuwing weekend. “Suntok sa buwan 'yun 'eh. Hindi naman ini-expect na ang mga tao for the longest time nasanay ang mga manonood sa Sunday show na all-variety, performances, kanta, sayaw, etc. Gusto rin naman pala ng mga tao ang comedy, habang may performance.
Nabanggit din ni Alden na patuloy pa rin ang saya tuwing Linggo, ngayon naman, sa panibagong programa na All Out Sunday. “With SPS ending, papasok naman itong All Out Sunday to continue that legacy na ini-spearhead ng Sunday PinaSaya, so masaya kami na may mga bago kaming kasama at 'yung iba naming kasama sa SPS makakasama pa rin namin. It will be a whole new different experience for us, bagong konsepto, bagong makakasama, nakita ko na ang mga makakasama ko sa show, parang sobrang laki ng magiging opening ng GMA for this Sunday slot.”
Abangan ang All Out Sunday, ngayong January 2020 na!
WATCH: Smokey Manaloto, aminadong fan ni Alden Richards
Ang pagbabalik ng paningin ni Sep | Ep. 64
Alden Richards, Maine Mendoza remain as most tweeted stars in 2019