What's on TV

EXCLUSIVE: Helen Gamboa says 'Super Ma'am' is for all ages

By Bea Rodriguez
Published September 20, 2017 10:00 AM PHT
Updated September 20, 2017 9:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

8 people hurt in fireworks mishap at Panagbenga festival
Libreng pap smear at breast exam, hatid ng GMAKF sa Catanduanes ngayong Women's Month | 24 Oras
Man punches senior citizen during road altercation; faces raps

Article Inside Page


Showbiz News



Bata man o matanda, siguradong magugustuhan ang 'Super Ma'am.'

 

 

Hindi lang po pambata ang bagong action-fantasy series na Super Ma'am dahil sakop nito ang lahat ng manonood.
 
Nanggaling ito mismo sa nagbabalik Kapuso star na si Helen Gamboa, “Actually, for all ages [ang Super Ma’am].”
 
Tinanggap umano ng beteranang aktres ang telefantasya dahil sa kakaibang kuwento nito, “It’s really something different from my shows kaya tinanggap ko. Sabi ko susubukan ko namang gumawa ng [may] supernatural touch.”
 
Gagampanan ni Mrs. Sotto si Lolita Honorio, ang Super Lola nina Minerva, Mabelle at Bixby Henerala na may karanasan sa mga Tamawo noong dalaga siya.
 
Matagal-tagal na rin mula noong sumabak sa drama ang aktres kaya abangan ang kanyang pagbabalik sa Kapuso network sa pamamagitan ng GMA Primetime soap.
 
“Iniimbitahan namin lahat ng ating kababayan na sana panoorin o subaybayan nila gabi-gabi,” pagtatapos ni Ms. Helen.

Panoorin ang Super Lola na resbak ni Super Ma’am gabi-gabi sa GMA Telebabad.