
Super Ma’am, nasaan ka na? Nandito na ang mga Tamawo sa bakuran ng GMA Network!
Hindi titigil ang mga Tamawo na maghasik ng lagim sa buong Metro Manila, lalong lalo na sa Kapuso network.
Pinangungunahan ni Asia’s Fantasy Kim Domingo bilang si Avenir ang pag-atake kasama sina Andrew Gan (Keno), Mark Andaya (Nomer) at Antonio Quiazon (Sweetie).
Ani Tamawo Nomer, “Ilang hakbang na lang, lulusubin na namin ang GMA Network Center building!!! Wala nang makakapigil pa sa amin, kahit si SUPER MA’AM pa!”
Mag-ingat, mga Kapuso, at huwag a-absent sa klase ni Super Ma'am, gabi-gabi ng 7:45 p.m. sa GMA Telebabad.