What's on TV

Marian Rivera, taos-puso ang pasasalamat sa 'Super Ma'am'

By Loretta Ramirez
Published January 26, 2018 2:50 PM PHT
Updated January 26, 2018 2:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Brook Lopez's 9 treys power Clippers to win over Blazers
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers
'PBB' housemate Joj Agpangan weds fiancé in Austin, Texas

Article Inside Page


Showbiz News



Huwag bibitiw, samahan si Super Ma'am sa kanyang huling laban mamayang gabi pagkatapos ng '24 Oras.'

Inaabangan na mamaya ang pinakamalaking pasabog ng Super Ma'am sa pagtatapos ng kuwento nito sa GMA Telebabad. Magagapi na nga ba sa wakas ni Minerva ang mga Tamawo? Mabubuo pa ba ang kanilang pamilya? Ano ang mangyayari sa Super Teens?

Ilan lang ito sa mga katanungang masasagot mamaya kaya tumutok na sa exciting finale ng Super Ma'am.

Talagang pinaghandaan ng Primetime Queen ang mga eksenang magaganap mamaya at katulong niya ang buong cast at crew ng show para pagandahin ang final episode nito. 

Kaya naman sa last taping day ng Super Ma'am nagbigay ng ilang salita ang Primetime Queen sa kanyang team upang magpasalamat.

"Ito ang malaking bonus sa trabaho natin, yung malaking respeto natin sa isa't isa at naramdaman ko dito yan sa Super Ma'am, kaya maraming salamat sa inyo. Especially sa mga stunt man, camera man, hindi ko na kayo maisa-isa. Sobrang thankful ako na naging part ako ng family na ito. Kasi halos two and half years akong hindi nag soap opera...so worth it pala na bumalik ako at nakasama ko kayo. Thank you my Super Ma'am family. Ibig sabihin lumalaki nang lumalaki ang pamilya ko, ibig sabihin marami akong aampunin na naman. Galing sa puso ko, maraming salamat sa respeto at pagmamahal na ibingay ninyo sa akin. Hindi matatawaran yun."

 

@Regranned from @shyrvaldez - To one amazing Lady, Actress, and a Friend.... SALAMAT @marianrivera ?? Mahal ka namin lahat at salamat sobra sa lahat lahat. #SuperMaam no wonder napaka blessed mo na tao, kase ibang klase ka mag mahal sa katrabaho mo at kaibigan. Di tayo dito natatapos as a family, matter of fact, this is the beginning. Love you Ate Bunso?????? - #regrann

A post shared by Team Dantes (@thedongyanatics) on


Huwag palampasin ang huling laban ni Super Ma'am, mamayang gabi na pagkatapos ng 24 Oras.