GMA Logo tadhana
What's on TV

Mga beki nagpanggap na siga, bistado ng homophobic na pulis sa 'Tadhana'

By Bianca Geli
Published April 18, 2023 7:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Oscars to leave Hollywood in 2029 — Academy
Atong sayran karon ang dagan sa panahon karong Adlawa March 26, 2026 | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

tadhana


Nagpanggap na bortang siga ang magkapatid na beki para ipagtanggol ang nakababata nilang kapatid.

Sa Tadhana: Bekiry, dalawang beki na magkapatid ang magpapanggap bilang tigasing mga kuya para ipagtanggol ang nakababata nilang kapatid sa isang malupit na pulis.

Sinubukan nina China (Alchris Galura) at Saudi (Prince Estefan) na maging straight bilang pagtupad sa pabor na hiningi sa kanila ni Philip (Nikki Co).

Sa panliligaw ni Philip kay Pia (Kate Valdez), nais niyang ipakilala ito sa pamilya niya at ipakitang seryoso siya rito. Ang problema, homophobic ang ama ni Pia na si Elton (Jeffrey Santos).

Kahit pinilit na magpanggan nina China at Saudi para kay Philip, lahat ng kanilang pagpapanggap ay naantala nang makita nila si Elton, na malakas ang radar sa mga bading.

Bukod pa rito, simulan ng mawalan ng trabaho sina China at Saudi nang makipagsagutan sila sa sexist nilang boss. Kung wala na silang trabaho, paano na ang pangarap na bakery ni Nanay Teresa (Jaclyn jose)?

Matanggap kaya ang tunay na pagkatao nina China at Saudi? O mapilitan silang magpanggap para sa kapatid nila?

Panoorin ang mas pinalakas na Tadhana tuwing Sabado kasama si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook at YouTube livestream.

Balikan ang mga eksena sa Tadhana: Bekiry: