
Sa Tadhana: Tahanan, dalawang taon na nang maghiwalay ang mag-asawang Sylvia (Lotlot de Leon) at Enrico (Boom Labrusca) at mag-co-parenting sa dalawang anak -- sina Gino (Kim de Leon) at Elissa (Shanelle Agustin).
Sa kabila ng kanilang hiwalayan ay nananatili ang maayos na samahan ng dating mag-asawa. Kaya naman umaasa pa rin ang magkapatid na muling mabubuo ang kanilang pamilya.
Pero laking gulat nila nang ipakilala ni Enrico ang kanyang bagong kasintahan at babaeng balak niyang pakasalan -- si Ivy (Arra San Agustin).
Hindi madali para kina Gino at Elissa na tanggapin ang bagong kasintahan ng kanilang ama, at hindi rin madali kay Sylvia na makisama sa bagong babae sa buhay ng kanyang dating asawa.
Nais man ipakita ni Sylvia sa kanyang mga anak na matatag siya, paano na lang kung magkaroon siya ng malubhang karamdaman? Masabi pa kaya ni Sylvia ang isa pang lihim sa kanyang mga anak?
Abangan ang natatanging pagganap nina Lotlot De Leon, Arra San Agustin, Boom Labrusca, Kim De Leon, Shanelle Agustin, Ms. Gigi Locsin at Ralph Alfaro.
Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa Tadhana: Tahanan, a Mother's Day special ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook at YouTube livestream.