
Sa Tadhana: Pagkatas sa Kahapon, isang mag-asawa ang masisira dahil sa pambabae.
Matagal nang gusto nina Roman (Christian Vasquez) at Glenda (Ynez Veneracion) ang magkaanak. Pero kahit anong subok ng mag-asawa, tila mailap ang hinihingi nilang regalo. Kaya naman labis ang tuwa ni Roman nang malaman na siya ang ama ng ipinagbubuntis ng kanilang kasambahay na si Lupe (Bernadette Allyson).
Sa kabila ng pagkakamali ni Roman, pinatawad at tinanggap ni Glenda ang anak nitong si Rowena (Sanya Lopez). Upang masiguradong maitatago rin ang kanilang kamalian, titira sa iisang bubong ang mag-asawa kasama ang mag-inang Lupe at Rowena.
Hindi matanggap ni Glenda sina Lupe at Rowena kaya labis ang magiging pagmamalupit nito sa dalawa. Sa gitna ng pagmamalupit ni Glenda, makakahanap ng pag-ibig si Rowena sa classmate na si Miko (Jeric Gonzales) na nagbibigay saya sa masalimuot niyang buhay.
Hanggang kailan maililihim ng kanilang pamilya ang kamalian ng kahapon?
Abangan sina Sanya Lopez, Bernadette Allyson, Christian Vasquez, Ynez Veneracion, Lady Gagita, Ice Arago, Rio Mizu at Jeric Gonzales ngayong Sabado.
Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa Tadhana: Pagtakas sa Kahapon ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and Youtube livestream.