GMA Logo Sanya Lopez at Ynez Veneracion
What's on TV

Sanya Lopez at Ynez Veneracion, maghaharap sa 'Tadhana'

Published June 23, 2023 5:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Rep. Terry Ridon presscon (Dec. 19, 2025) | GMA Integrated News
#PlayItBack: The GMA Playlist Year-Ender Special
Richard Gomez hits PH fencing prexy's head, alleges favoritism

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez at Ynez Veneracion


Lalong pagmamalupitan ni Glenda (Ynez Veneracion) ang mag-inang Lupe (Bernadette Allyson) at Rowena (Sanya Lopez) nang pumanaw na si Roman (Christian Vasquez).

Sa Part 2 ng Tadhana: Pagtakas sa Kahapon, marami ang pagbabago sa pagpanaw ni (Christian Vasquez), mas lalong pahihirapan ni Glenda (Ynez Veneracion) ang mag-inang Lupe (Bernadette Allyson) at Rowena (Sanya Lopez).

Sa kabila ng pagmamakaawa nila ay palalayasin pa rin ang mag-inang Lupe at Rowena sa mansyon ni Roman. Upang siguradong makukuha ang lahat ng kayamanang iniwan ng mister, gagawin ni Glenda ang lahat upang mabura sa mundo sina Lupe at Rowena.

Matakasan kaya ng mag-ina ang masamang plano ni Glenda?

Abangan sina Sanya Lopez, Bernadette Allyson, Christian Vasquez, Ynez Veneracion, Jeric Gonzales, Lady Gagita, Ice Arago, at Rio Mizu.

Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa Tadhana: Pagtakas sa Kahapon Part 2 ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.