GMA Logo Tadhana, Ang Pagtatapos
What's on TV

Ashley Ortega at Pauline Mendoza, magtatapat sa 'Tadhana: Ang Pagtatapos'

By Bianca Geli
Published August 11, 2023 4:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Firework-related injuries at 57; majority of victims aged 19 and below —DOH
Macacua seeks special session to pass Bangsamoro districting law
Marian Rivera's family is in designer outfits for their Christmas photoshoot

Article Inside Page


Showbiz News

Tadhana, Ang Pagtatapos


Sa finale episode ng 'Tadhana: Ang Pagtatapos,' malalaman na ang salarin sa sunod-sunod na kaguluhan.

Sa nalalapit na finale episode ng Tadhana: Ang Pagtatapos, kabi-kabilang aksidente ang nangyayari sa eskwelahan nina Lucy at Helen.

Natagpuang walang malay sina Carl at Natty sa school laboratory habang duguan naman si Zen nang makita siya sa hagdan ng kanilang campus. Ang sinisisi sa sunod-sunod na insidente -- si Lucy!

Siya nga ba ang tunay na salarin sa nangyayaring kaguluhan? O ginagamit lang siya upang pagtakpan ang totoo nitong pagkatao?

Abangan ang natatanging pagganap nina Ashley Ortega, Pauline Mendoza, Radson Flores, Rere Madrid, Shuvee Etrata, Jenine Desiderio, Eya Borja, Seb Pajarillo, Boogie Bugayong, Gino Ilustre, at Marnie Lapus.

Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa kuwento ng Tadhana: Ang Pagtatapos Part 2, ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube channel.