
Iisa lang ang hiling ni Minerva (Bianca Manalo) sa kanyang anak -- makapagtapos ng pag-aaral at hindi maging batang ina tulad niya. Lingid naman sa kaalaman ni Minerva na nakararanas pala ng pambubully ang kanyang anak na si Sheena (Elijah Alejo) sa kanilang paaralan.
Ang naging takbuhan ni Sheena sa tuwing sinasaktan siya sa paaralan -- si Kuya Obet (Luke Conde). Pero ang pagiging “kuya” ni Obet, mauuwi sa isang pagkakamali.
Lahat ng magandang plano ni Minerva para sa anak na si Sheena, gumuho nang mabuntis ang dalaga.
Kaya naman upang maipagpatuloy ang mga pangarap niya sa anak ay ililihim nila ang pagiging batang ina nito. Pero ang hinahangad na college scholarship, sisirain pa ng dating kaklase ni Sheena?
Matupad pa kaya ang mga pangarap ni Sheena?
Abangan ang pagpapatuloy ng Tadhana: Teen Mama Part 2 ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream!