GMA Logo Tadhana Due Date
What's on TV

Ashley Ortega, Jamir Zabarte bibida sa 'Tadhana: Due Date'

By Bianca Geli
Published May 23, 2024 7:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Alas Women fall to Vietnam in volleyball semis, drop to bronze medal game
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Tadhana Due Date


Dahil umabot na ng due date ang utang mula sa online lending app, lumaki lalo ang problema nina Kathryn (Ashley Ortega) at Kiko (Jamir Zabarte).

Sa Tadhana: Due Date Part 2, naging desperado na sina Kathryn (Ashley Ortega) at Kiko (Jamir Zabarte) na maipagamot ang kanilang kapatid na si Selena (Shanelle Agustin), kaya agad nilang sinubukang mangutang sa isang online lending app.

Ang akala nilang makakatulong sa kanilang makaraos sa mga gastusin, siya pang naging dahilan ng lalong pagkalugmok nila sa patong patong na utang.

Kaya nang abutan na ng due date ang inutang na pera ni Kathryn mula sa ginamit na online lending app, nakatanggap siya ng kung ano-anong pananakot mula rito.

Paano na lang kung pati ang kaligtasan nila ay malagay sa peligro dahil dito?

Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa pagpapatuloy ng Tadhana: Due Date Part 2, ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.