
Sa Tadhana: Masked Dancer, isang aksidente ang sisira sa mukha ng OFW na si Jenna sa Japan.
Dahil dito, mapipilitan siya na bumalik sa Pilipinas.
Ang tunay na ugali ng kanyang nobyo at ina nito… mabubuking niya.
Walang pera at walang trabaho, saan nga ba hihingi ng tulong si Jenna ngayong itinakwil din siya ng mismong nobyo niya?
Samahan si Crystal Paras at Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa kwento ng Tadhana: Masked Dancer ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.