
Sa Tadhana: Meant For You, mahigpit ang pagtutol ng pamilya ni Jules (Rob Gomez) sa relasyon nila ni Hanni (Winwyn Marquez).
Ngunit pinili pa rin ni Jules na ipaglaban ang relasyon nila.
Kahit pa ipagkasundo siya sa ibang babae, si Hanni pa rin ang pipiliin nito.
Hindi rin nagpadala si Hanni sa malaking pera na ibinibigay ng pamilya ng binata kapalit ng paglayo nito sa kanya.
Pero ang kanilang tila “happily ever after,” magiging tragic ending pa dahil sa isang aksidente.
Abangan ang natatanging pagganap nina Winwyn Marquez, Rob Gomez, Ms. Marina Benipayo, Angel Leighton, Lienel Navidad, at Lala Vinzon.
Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa kwento ng Tadhana: Meant For You, ngayong Sabado, 3:15 p.m.sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.