GMA Logo Buboy Villar at Lexi Gonzales
What's on TV

Buboy Villar at Lexi Gonzales, bibida sa 'Tadhana: Lucky in Love'

By Bianca Geli
Published October 26, 2024 2:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tuba, Benguet police chief relieved from post due to lapses in Cabral probe —PNP
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Buboy Villar at Lexi Gonzales


Slushy vendor meets the popular vlogger ang meet-cute story na tampok sa 'Tadhana: Lucky in Love' ngayong Sabado (October 26) ng hapon.

Isang unexpected kilig stoy ang handog ng Tadhana ngayong Sabado (October 26).

Sa murang edad ay namulat na sa kahirapan ang magkapatid na Jepoy (Buboy Villar) at Jona (Chai Fonacier).

Kaya naman todo kayod si Jepoy bilang slushy vendor para mapag-aral ang kanyang kapatid.

Dahil na rin sa likas na pagiging matulungin ni Jepoy, magiging instant online superhero siya nang makuhanan ng video ang pagtulong niya sa isang buntis.

Ang sikat na vlogger na si Mandy (Lexi Gonzales) pa ang makakakuha ng video sa pagtulong ni Jepoy, at dahil naging viral ito. Binalikan ni Mandy si Jepoy para mas makilala ito.

Hindi naman makapaniwala si Jepoy na ang isang sikat at magandang vlogger ay gustong siyang makilala. Kahit alam niyang para lang ito sa content ng vlog, hindi maiwasan ni Jepoy na kiligin kay Mandy.

May patutunguhan kaya ang nabuo nilang pagkakaibigan? Alamin sa Tadhana: Lucky in Love.

Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa kuwento ng Tadhana: Lucky in Love ngayong Sabado (October 26), 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.