GMA Logo Tadhana Family Secrets
What's on TV

Jennica Garcia, Therese Malvar, Bryce Eusebio, bida sa 'Tadhana: Family Secrets'

By Bianca Geli
Published January 3, 2025 3:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bystander who tackled armed man at Bondi Beach shooting hailed as hero
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Tadhana Family Secrets


Tampok sa 'Tadhana: Family Secrets' ang storya ng isang Pinay OFW na niloko ng sariling pamilya.

Sa Tadhana: Family Secrets, labis na nawalan ng tiwala sa pamilya ang isang Pinay OFW nang malaman na ang pera na padala niya sa pamilya sa Pilipinas para sa negosyo at bahay, sa iba pala napunta.

Laking gulat ni Milette (Jennica Garcia) nang matuklasan niya ang panlolokong ginawa ng kanyang pamilya.

Matapos ang isang dekadang pagtatrabaho sa Italy, nagdesisyon si Milette na umuwi na ng Pilipinas dahil na rin sa mga naipundar niya para sa kanyang pamilya. Pero paano kung malaman niya na nauwi pala sa wala ang lahat ng paghihirap niya?

Ang ipinatayo kasi niyang bahay, nakasangla pala. Pati ang ipinundar niyang bigasan, naging pambayad utang din ng kanyang pamilya.

Paano tatanggapin ni Milette ang panloloko ng kanyang pamilya sa kanya?

Mabuo pa kaya ang pamilya niya sa kabila ng mga lihim na nag-iwan ng lamat sa kanilang relasyon?

Panoorin ang pagganap nina Jennica Garcia, Therese Malvar, Bryce Eusebio, Lucho Ayala, Sebreenika Santos, at Ms. Isay Alvarez.

Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa kuwento ng Tadhana: Family Secrets ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.

Balikan ang nakaraang episode ng Tadhana: Family Secrets: