GMA Logo Tadhana: Old Maid
What's on TV

Karen delos Reyes at Kimson Tan, mapapanood sa 'Tadhana: Old Maid'

By Bianca Geli
Published February 8, 2025 10:18 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Indian family of alleged Bondi gunman didn't know of 'radical mindset', Indian police say
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Tadhana: Old Maid


Isang Pinay OFW ang pipigilan ng sarili niyang pamilya na makahanap ng pagibig, alamin ang kuwento sa 'Tadhana: Old Maid.'

Sa Tadhana: Old Maid, isang dalaga ang maiipit sa gitna ng pagibig at pamilya.

Family first -- 'yan ang naging mantra ng Pinay OFW na si Kristel (Karen delos Reyes).

Pero ang pamilyang lagi niyang inuuna, puro problema lang ang isinukli sa kanya.

Sa pagiging breadwinner ni Kristel, tila nawalan na siya ng oras sa sarili at napaglipasan na ng panahon.

Pero matatauhan din si Kristel at bibigyan ng pagkakataon ang sarili na makahanap ng pag-ibig. Dito niya makikilala si Brian (Kimson Tan) ang lalaking paiibigin siya.

At ngayong uunahin na ni Kristel ang kanyang sarili at susubukang magmahal at bumuo ng sariling pamilya, tila pipigilan pa rin siya ng kanyang ina at kapatid.

May happily ever after nga ba para kay Kristel?

Sundan ang pagpapatuloy ng Tadhana: Old Maid ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.

Balikan ang nakaraang episode ng Tadhana: Old Maid: