GMA Logo Sheryl Cruz in Tadhana
What's on TV

Sheryl Cruz, bibida sa 'Tadhana: Mother's Love'

By Bianca Geli
Published April 25, 2025 5:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

The Donald J. Trump and John F. Kennedy Memorial Center for the Performing Arts
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Sheryl Cruz in Tadhana


Isang OFW na misis ang mapapahamak dahil sa adik niyang mister.

Sa Tadhana: Mother's Love, si Romina (Sheryl Cruz) ay matagal nang nagtitiis sa kamay ng kanyang asawang si Jess, isang lalaking nalulong sa droga. Hindi lamang masasakit na salita kundi pati pisikal na pananakit ang kanyang nararanasan araw-araw.

Sa kabila ng kanyang pagtitiis para sa kanilang anak, dumating ang punto na hindi na niya kinaya ang kalupitan ni Jess. Nagdesisyon siyang iwan ang kanyang asawa at magtrabaho bilang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Belgium upang makapagsimula ng panibagong buhay para sa kanilang anak.

Sa kanyang pag-alis, nanatili si Jess sa Pilipinas. Sa una, tila wala siyang balak magbago, ngunit kalaunan ay nagsumikap siyang talikuran ang paggamit ng droga. Subalit, ang madilim niyang nakaraan ay patuloy na sumusunod sa kanila. Isang araw, nadamay ang kanilang anak sa isang operasyon na may kinalaman sa ilegal na droga, na nagbunsod ng matinding takot at pangamba kay Romina.

Sa kabila ng kanyang mga pagsubok, patuloy na lumalaban si Romina para sa kapakanan ng kanyang anak. Ang kanyang kwento ay paalala na ang pagmamahal ng isang ina ay walang hanggan, at handa silang magsakripisyo at harapin ang lahat ng hamon upang maprotektahan ang kanyang pamilya.

Abangan ang pinakabagong kuwento ng Tadhana ngayong Sabado -- "Tadhana: Mother's Love", 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.