GMA Logo Tadhana: Grasya
What's on TV

Mga Pinay DH na nakipagsapalaran sa Macau, tampok sa 'Tadhana: Grasya'

By Bianca Geli
Published September 27, 2025 11:10 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Environmentalist sa Negros Oriental, Gipusil Patay | Balitang Bisdak
24 Oras Express: January 16, 2026 [HD]
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Tadhana: Grasya


Isang masipag na Pinay domestic helper (DH) sa Macau ang nagtitiis at nagsasakripisyo para sa kanyang pamilya, ngunit pagtataksil ang inabot mula sa sariling mga magulang.

Sa part 2 ng Tadhana: Grasya, magkasabay na bumalik ng Pilipinas ang mga Pinay DH na sina Monica (Shayne Sava) at Grasya (Irma Adlawan) mula Macau.

Pero ang masaya sanang reunion ni Grasya sa kanyang unico hijo, mauuwi sa pighati. Walang buhay na kasi siyang makikita ng anak sa bus. Ang mas masaklap, nanakawan pa si Grasya sa biyahe.

Laking gulat naman ni Monica nang makita ang wallet ni Grasya na hawak ng amain niya. Paano haharapin ni Monica ang bagong dagok na ito?

Sundan ang pagpapatuloy ng Tadhana: Grasya ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and Youtube livestream.