
Sa Tadhana: Ma'am Digna, hindi matapos-tapos ang mga pagsubok sa buhay ni Digna. Sa kabila ng kaniyang pagsisikap bilang OFW sa Amsterdam, sunod-sunod na problema naman ang kinakaharap ng kaniyang mga anak na naiwan sa Pilipinas.
Habang nasa ospital ang kaniyang panganay, isa pa sa kaniyang mga anak ang naglayas at ayaw nang umuwi. Sa gitna ng lahat ng ito, kailangang pumili ni Digna, ipagpatuloy ba niya ang pagtatrabaho abroad o umuwi na lang para muling buuin ang kaniyang pamilya?
Tunghayan ang kuwento ng sakripisyo at pagmamahal ng isang ina sa Tadhana: Ma'am Digna, ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook at YouTube livestream!