IN PHOTOS: Rita Daniela, Paul Salas, Trixie Lalaine tampok sa 'Tadhana'

GMA Logo Tadhana

Photo Inside Page


Photos

Tadhana



Ngayong May 14, tampok sa Tadhana ang storya ng magkambal na nawalay sa isa't isa at kalaunan ay naging magkaribal pa.


Dahil sa isang pangyayari ay nagkawalay ang kambal na sina Laura at Alyssa (Rita Daniela). Ginawa ng mag-inang Anita (Lilet Esteban) at Laura (Pinky Amador) ang lahat para mahanap si Alyssa ngunit bigo sila.

Makalipas ang ilang taon, nakilala ni Laura ang music producer na si Kenneth (Paul Salas), na siyang tutupad sa kanyang pangarap na maging sikat na singer! Dahil sa magandang kalooban ni Laura ay unti-unting nahulog ang loob ni Kenneth dito.

Pero ang tila happy song ng kanyang buhay ay biglang mawawala sa tono sa pagbabalik ng kanyang kambal na si Alyssa! Happy reunion nga ba o isang agawin ang magaganap?

Huwag palalampasin ang natatanging pagganap nina Rita Daniela, Paul Salas, Lilet Esteban, Pinky Amador, Mia Pangyarihan, at TikTok star Trixie Laline.

Samahan si Primetime Queen Marian Rivera sa kwento ng 'Tadhana: Kakambal, Kaagaw' ngayong Sabado, 3:15 pm sa GMA


Rita Daniela
Paul Salas
Pinky Amador
Lilet Esteban
Trixie Lalaine
Kambal
Katotohanan
Song

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ