What's on TV

Marian Rivera, nagkuwento kung ano'ng klaseng director si Dingdong Dantes

By Gia Allana Soriano
Published June 12, 2018 10:00 AM PHT
Updated June 12, 2018 9:56 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Alamin kung ano'ng klaseng direktor si Dingdong Dantes ayon kay Marian Rivera.

Magkakasama sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa isang special episode ng Tadhana kung saan director si Dong at ang lead star naman ay si Yan.

 

Mi Amor ?? ————————————————— Love my ???? from @kulturafilipino

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) on


Sa interview ni Lhar Santiago para sa 24 Oras, ikinuwento ni Marian kung ano'ng klaseng director ang kanyang asawa.

 

...Mi Amor! ??

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) on


Aniya, "Actually, si Dong, sabi niya sa akin, 'Nabasa mo na ba 'yung script?' Sabi ko, 'Oo.' [Sabi niya,] 'Medyo mabigat mga eksena mo, ah.' Medyo gumanun siya sa akin. At saka every [time] naman na nag-te-take kami, kapag meron siyang gusto sa eksena very vocal naman siya na ito ang kailangan gawin, ito ang sitwasyon. So, 'yun 'yung gusto ko sa mga nagiging director ko, eh. Kumbaga sinasabi sa akin na ito 'yung emosyon, ito 'yung nangyari. Kumbaga pinapaalalahanan ako. Ganoong klaseng director pala siya."

Ano naman ang nararamdaman niya na ang dating ka-love team niya ay naging director na niya ngayon?

Ika niya, "Well, ang weird lang isipin, kasi before kasama ko siya as a partner. Ngayon siya 'yung nagdi-direct sa akin. Wala namang ilangan kasi ako gagawin ko 'yung trabaho ko. Tapos siya ginagawa niya 'yung trabaho niya, tulungan."

 

 

Abangan ang special episode ng Tadhana ngayong June!