
Balikan sa Tadhana ang storya ni Julie, isang Pinay domestic helper sa Qatar na hinuthutan ng nobyong nakilala sa internet.
No-boyfriend-since-birth si Julie dahil subsob sa trabaho matapos maging baldado ang ama. Sa Qatar ito nakipagsapalaran bilang isang OFW.
Mag-iiba ang tadhana ni Julie nang makilala si Dino sa isang online dating site.
Magiging malapit ang loob nito kay Dino hanggang sa mauwi sa isang relasyon ang kanilang simpleng pagkakaibigan.
Ngunit ang akala ni Julie na dream guy niya, mauuwi sa isang mala-bangungot na relasyon.
Ano kaya ang kahihinatnan ni Julie?
Panoorin sina Cai Cortez bilang Julie at Joseph Bitangcol bilang Dino sa Tadhana:
Mark Herras, panoorin bilang isang OFW na niloko ng misis sa 'Tadhana'