Dingdong Dantes at Marian Rivera, muling panoorin sa 'Tadhana'
Binigyang buhay ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang kuwento ni Jackie,
isang domestic helper na nanilbihan sa Bahrain para matustusan ang pag-aaral ng anak at mabilhan ng gamot ang asawa.
Ngunit ang inaakala niyang sagot sa kahirapan, naging dagok rin sa buhay niya kalaunan nang maranasan ang pang-aabuso ng kanyang mga amo at pagnanakaw ng kapwa Pinoy.
Lalo pang naging trahedya ang buhay abroad ni Jackie nang sabuyan siya ng asido ng kanyang amo. Paano na lang ang kinabukasan niya at ng kanyang pamilya?
Sa direksyon ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, balikan ang kuwento ng sunod-sunod na pasakit at nakaantig na karanasan ng isang domestic helper sa Tadhana.
OFW sa Qatar na niloko ng online boyfriend, panoorin sa 'Tadhana'
LJ Reyes at Edgar Allan Guzman, magpapalitan ng asawa sa 'Tadhana'